TINAWAG na terorista ng Anti-Terrorism Council ang anim na high-ranking communist leaders na kinabibilangan ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Luis G. Jalandoni kasama ang limang figureheads ng Abu Sayyaf Group at Daulah Islamiyah matapos ang masusing beripikasyon at balidasyon.
Sa kalatas ng ATC, ang nilagdaan na dalawang resolusyon ni ATC Vice-Chairperson Hermogenes Esperon, Jr. noong Mayo 25, 2022, ay alinsunod sa Section 25’s Paragraph 3 ng RA 11479 o Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020, na nagsasaad na “The ATC may designate an individual, group of persons, organization, or association, whether domestic or foreign, upon a finding of probable cause that the individual, groups of persons, organization, or association, whether domestic or foreign, upon a finding of probable cause that the individual, group of persons, organization, or association commit, or attempt to commit or conspire in the commission of the acts defined and penalized under Sections 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11 and 12”.
Nakasaad sa ATC Resolution No. 31 ang pagturing bilang terrorist individuals sa lima pang lider ng CPP-NPA-NDFP bukod kay Jalandoni, na sina Simon Naugsan, tagapagsalita ng designated terrorist organization na Cordillera People’s Democratic Front at miyembro ng CPP-NPA; Afrecia/Apricia Alvares/Alvarez Rosete, kalihim ng Western Mindanao Regional Party Committee ng CPP-NPA; Maria Luisa Purcray, kalihim ng Ilocos Cordillera Regional Committee ng CPP-NPA; Maria Gigi Ascaño-Tenebroso, miyembro ng designated terrorist organization na Katipunan ng Gurong Makabayan at finance officer ng Southern Mindanao Regional Committee of the CPP-NPA; at Walter Alipio de Asis, miyembro ng designated terrorist organization na Christians for National Liberation.
Nasa talaan din ng mga terorista ang 5 miyembro ng ASG at Daulah Islamiyah (DI) na kinilalang sina Basaron Arok/Basarun Aruk, Ellam Sajirin, Madjid Said/Majid Said, Mura Asgali Kayawan a.k.a. Salip Mura Asgali, at Tawakkal Bayali. (CHRISTIAN DALE)
