DRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 3 ARESTADO

PAMPANGA – Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang drug den sa ikinasang anti-narcotics operation sa Mabalacat City sa lalawigang ito, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong kalalakihan na naaktuhang nag-iingat at gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, matapos ang ilang araw na pagmamanman ay ikinasa ng PDEA Regional Office 3 ang buy-bust operation at pagsalakay sa isang makeshift drug den sa 19th Street, Barangay Dau.

Ayon kay PDEA RO3 Regional Director Brian Babang, naaktuhan nila ang arestadong mga suspek na sina Ruben Esquariaga Cruz alyas “Boy”, 61; Daisy Walker David alyas “Ate”, 49, Alvaro Cabanding Balmores, 20-anyos.

Sinasabing kabilang sa PDEA-PNP unified watchlist  ang mga nadakip at sangkot sa  malawakang bentahan ng ipinagbabawal na droga.

Nakuha sa mga suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 11 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P97,900, sari-saring mga gamit sa droga,  at ang buy-bust money.

Ang isinagawang pagbuwag sa drug den ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon at lokal na pulisya.

Sasampahan ang tatlo ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)

272

Related posts

Leave a Comment