WALL, KAWHI AT PG BAGONG WEST ‘BIG 3’

HALOS kababalita pa lamang na na-buyout ng Houston Rockets ang final year ng kontrata ni John Wall, iniulat ng ESPN balak lumagda ng ­player sa Los Angeles Clippers sa sandaling makakuha ng ­waivers.

Ibinangko si Wall, 31, sa kabuuan ng 2021-22 season, matapos mabigo ang Rockets makahanap ng trade partner. Binayaran siya ng Rockets ng $44.3 millon para lamang maupo sa kabuuan ng 2021-22 season.

Nakatakda sana siyang ­kumita ng $47.4 million sa susunod na taon, ngunit ayon kay ESPN’s Tim MacMahon, nagka­sundo ang magkabilang panig na bayaran siya ng $40.9 million sa kanyang ‘unconditional’ release.

Sa sandaling maayos na ang waivers, magiging ­unrestricted free agent si Wall sa unang ­pagkakataon ng kanyang career.

Pero, hindi umano ito ­nanga­ngahulugang babalik siya sa D.C. kung saan niya ginugol ang ­unang siyam na taon ng ­career at nagresulta sa limang sunod na All-Star Games.

Sa halip, malamang sumama siya kina Kawhi Leonard at Paul George sa Los Angeles sa pagtatangka ng Clippers makabalik sa playoffs.

Ang Wizards, wala pa ring starting point guard, ay mag-­hahanap-hanap sa sandaling magsimula ang NBA free agency.

Si Wall ay magiging isa sa top free agents ng 2022 class.

Dating No. 1 overall draft si Wall ng Washington Wizards, may career 43.1% shooting at 32.2 from 3-point range. Sa ­mahigit 613 regular season games, ­nag-average siya ng 19.1 points, 4.3 rebounds at 9.1 assists per game. (VT ROMANO)

158

Related posts

Leave a Comment