Mula 2016 hanggang 2022 77% DRUG CASES NAKABINBIN

(CHRISTIAN DALE)

NAKABINBIN sa mga korte ang 77% ng drug cases na isinampa mula 2016 hanggang July 2022.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na nakatuon ngayon ang Justice Department sa paggawa ng mga hakbang para mapabuti ang conviction rate.

Aniya, sa kabuuang 291,393 kaso, may 22,000 naman ang nahatulan; 5,753 ang na-dismiss habang 223,579 ang pending.

“Ang drug cases ngayon medyo marami… dapat mabantayan ito,” ayon kay Abalos.

Pinag-iisipan aniya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-reassess ang mga police investigator at suriing mabuti kung paano na-recruit ang mga ito.

Aniya, 123 mula sa 22,774 police investigators sa bansa ang law graduates.

“Magkakaroon ngayon ng pagtuturo. Reassess. Reassessment of what’s happening right now on the ground. So retraining kung anong meron sila, we will supplement it, kailangan siguro tignan maigi sino qualified, sino hindi,” ayon kay Abalos.

“Hindi naman pwedeng nag-volunteer ka, hindi naman para sa ‘yo ang maging imbestigador. That’s my personal point of view. There should be a reassessment of those who were chosen,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

Binigyang diin pa ni Abalos na ang isinagawang imbestigasyon ng isang imbestigador ang siyang magtitiyak ng conviction o hatol sa mga kaso sa korte.

“For me this is very, very important. Because this single, important data, or act done by an investigator would determine, again, I emphasize, the result not only in the Department of Justice, but likewise, whether or not the case would be for conviction or acquittal in courts,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Abalos na maraming kaso ang nabasura lamang dahil sa kakulangan ng testigo.

Upang maiwasan ito, ipinanukala ni Abalos na magtalaga ng empleyado sa Department of Justice na sasama sa drug raids at magsisilbi bilang testigo, gaya ng ginawa nila sa Mandaluyong City.

“And with that halos wala kaming kaso sa Mandaluyong na na-dismiss because of this technicality,” aniya pa rin.

Aniya, aapela siya sa League of Cities of the Philippines na magtalaga ng tatayong testigo sa DOJ.

“I will be requesting from the mayors and also from other public officials na baka puwedeng gawin din nila ito to help in this cases. Para makatulong. Kasi nga karamihan nadi-dismiss,” anito.

Samantala, mula July 2019 hanggang July 2015, sinabi ni Abalos na 298,664 reklamo ang isinampa laban sa police officers na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa nasabing bilang, may 5,551 kaso ang na-dismiss sa prosecutor level habang 5,753 kaso naman ang na-dismiss sa korte.

206

Related posts

Leave a Comment