KOOPERATIBA PINASASAMA SA BENEPISYARYO NG PUBLIC AGRICULTURAL LANDS

NAIS ni Senador Chiz Escudero na isama ang mga kooperatiba na may magagandang track record sa talaan ng mga mabibigyan ng 52,000 hectares ng unused public agricultural lands.

Ang lupain ay ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos na ipamamahagi sa ilalim ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988.

Sinabi ni Escudero na maaaring hindi ilimita sa mga beterano, kanilang surviving relatives, retirees ng AFP at PNP, at agricultural degree holders ang bibigyan ng lupa.

“I believe there is room for people who have made a living in tilling the land,” saad ni Escudero.

“If we are going to mobilize farmers to ramp up food production, then let us begin with those who have the expertise. In our war against hunger and poverty, let us tap those with experience and proven track records,” dagdag nito

Kasabay nito, sinabi ni Escudero na kapag naisakatuparan na ito ng gobyerno ay parang mayroon nang extension work at technical assistance na hindi gagastos ang pamahalaan.

Iginiit ng senador na ang pamamahagi ng lupa ay hindi lamang “social justice program” bagkus ay maituturing ding food security initiative.

“Bakit ba tayo mamimigay ng lupa? Ito ay upang taniman at makadagdag sa food supply. Actually, ang isang conditionality dapat ng grant na iyan ay sakahin iyon upang makapag-produce ng pagkain,” giit ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

207

Related posts

Leave a Comment