MAGKASUNOD na tagumpay ang naitala ng Philippine women’s team, habang inaalat ang men’s squad sa Round 2 ng World Chess Olympiad sa Chennai, India.
Pinabagsak ng 39th seed Pinays ang 78th seed Nicaragua, 2.5-1.5, upang makibahagi sa ika-28 puwesto sa 162 bansa, habang ang 52nd ranked men’s team ay bumaba sa 59th spot sa 180 bansa matapos mabigo sa 6th seed Azerbaijan, 1-3.
Binuksan ni women’s GM Janelle Mae Frayna ang Βkampanya ng mga Pinay sa pagsupil kay WIM Maria Esther Granados Diaz sa Board 1, habang naΒsungkit ni WFM Shanai Mae Mendoza ang pangalawang panalo laban kay Patricia Alvarez sa Board 3.
Nakihati si WIM Jodilyn Fronda sa puntos kay Michelle Ferrufino sa B3 habang si WIM Marie Antoinette San Diego ay sumuko kay Maria Jose Grabnados Otiz sa B4.
Iba ang kwento sa men’s side nang sina GM Mark Paragua at John Paul Gomez lang ang nagkaroon ng solitary point na may mga draw sa Boards 1 at 3 laban kina GMs Raruf Mamedov at Vasif Duravayli.
Si GM Rogelio Barcenilla ay yumuko kay Gadir Guseinov sa B2 habang si IM Paulo Bersamina ay sumuko kay GM Nijat Abasov sa B4.
Nakatakdang sumalang sa 4th round ang PH men’s squad kontra 102nd Cyprus, at ang women’s team laban naman sa 18th seed Serbia. (ANN ENCARNACION)
236 