JOSHUA, 11M VIEWS AGAD ANG UPLOADED TIKTOK VIDEO

MAY bagong uploaded TikTok video ang lead actor ng Darna: The Series na si Joshua Garcia.

As usual umani agad ng 11M views ang TikTok dance video ng actor sa ilang oras pa lang na nakararaan .

Matagal-tagal na ring hindi nagpo-post ang aktor dahil busy sa pagsu-shoot ng Darna.

Ngayon lang uli nagkaroon ng time si Joshua dahil nakaluwag-luwag na sa oras at iere na rin ang Darna na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Ang netizens hindi maiwasang mabighani sa kanyang pagsasayaw dahil napaka-adorable naman talagang panoorin ang aktor.

Ani ng netizens, “ang gwapo naman po.”

“Grabe naman yern! Welcome back po rito, HAHAHA.”

“Pogi so much.”

“Makalaglag panty talaga ang kagwapuhan mo Joshua… ily..”

Consistent sa million views ang actor sa bawat pag-upload niya ng TikTok video.

202

Related posts

Leave a Comment