NADAGDAGAN pa ang mga senador na nagpositibo sa COVID-19 sa katauhan ni Senador Cynthia Villar.
Ayon kay Senate President Migz Zubiri, kanina ay sumalang sa COVID-19 test si Villar makaraang sumama ang kanyang pakiramdam.
Pinaalalahanan naman ni Zubiri ang lahat ng miyembro ng Senado na magdoble ingat sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
“We just like to put on record that our distinguished colleague Senator Cynthia Villar had tested positive today for COVID-19.
We would like to wish her well and pray for her speedy recovery and for all our members also to be extra careful in this time where COVID is still surging,” pahayag ni Zubiri.
Si Villar ang ikatlong senador na nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggong sesyon.
Patuloy na nagpapagaling si Senador Imee Marcos habang si Senador Alan Peter Cayetano ay maayos na ang pakiramdam at muli nang sasalang sa COVID-19 test.
Kinumpirma rin ni Cayetano na magbabalik Senado na siya sa susunod na linggo. (DANG SAMSON-GARCIA)
195 