PRES. MARCOS MASAMA ANG LOOB SA SUGAR MESS

MASAMA ang loob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nangyari sa loob ng Sugar Regulatory Administration makaraang lumabas na “illegal” ang resolusyon para makapag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, lumalabas kasi na tila gustong i-mislead ng SRA officials si Pangulong Marcos.

Gayunman, patuloy na binabalanse ni Pangulong Marcos ang lahat dahil may ibang mga bagay pa itong dapat ding tutukan.

Aniya, nanatiling objective at patas ang Chief Executive kaya hinahayaan niyang gumulong ang imbestigasyon sa naturang usapin nang hindi ito nakikialam.

At habang gumugulong ang imbestigasyon sa nasabing isyu ay abala naman ang Punong Ehekutibo sa iba nitong trabaho bilang lider ng bansa.

Una nang inanunsyo ni Cruz-Angeles ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Malakanyang sa lumabas na resolusyon para makapag-angkat ng libo-libong metriko tonelada ng asukal gayung wala pala itong basbas mula kay Pangulong Marcos. (CHRISTIAN DALE)

138

Related posts

Leave a Comment