HANGZHOU ASIAN GAMES, PARIS OLYMPIC QUALIFIER

Ni ANN ENCARNACION

MAS matinding pagsubok ang haharapin ng mga Pilipinong boksingero sa Paris Olympics.

Ito ay dahil sa mga pagbabago sa International Olympic Committee, partikular sa boxing sa 2024 Games sa France.

Isiniwalat nina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Executive Director Marcus Jarwin Manalo at coach Don Abnett, magiging Olympic qualifier ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa susunod na taon.

Kaya kailangan nina Tokyo Olympics silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio, at bronze medalist Eumir Felix ­Marcial na magwagi sa Hangzhou upang magkuwalipika sa Paris.

Ang bagong boxing qualification sa Olympic Games ay inaprubahan ng Executive Board (EB) ng International Olympic ­Committee (IOC) matapos makakuha ng update mula sa International Boxing Association (IBA).

Ang proseso ay dinisenyo ng IOC sa tulong ng mga boxing expert, kabilang ang National Olympic Committee (NOC).

183

Related posts

Leave a Comment