SA ngayon, kalilimutan nina LeBron James, Anthony Davis at Russell Westbrook ang nangyari sa nakaraang season, ang 11th-place finish at sa halip pagtutuunan ang paparating na NBA season ng Lakers.
“Last year is last year,” pahayag ni new coach Darvin Ham (Martes sa Manila) sa ginanap na Media day. “This year is a whole new chapter.”
Nangako si Westbrook na ipagpapatuloy ang pagiging professional at sisikaping tulungang manalo ang Lakers, bagay na ipinamalas ng player kay Ham nitong summer.
Binigyang-diin naman ni Davis, nais ng Lakers maging ’aggressive’ si Westbrook.
Naniniwala naman si James, makakaresbak si Westbrook buhat sa nakadidismayang season.
“It’s gonna be a great year for him,” ani James. “We’re going to be right there with him.”
Nitong summer, nagkaroon ng seryosong usapin ang Lakers hinggil sa pagtrade kay Westbrook, upang mapaangat ang tsansa ng team sa bagong season.
Iti-trade sana si Westbrook, kasama ang dalawang future first-round picks ng koponan.
Para kay general manager Rob Pelinka, kasama sa reward ang paglagda ni James ng contract extension ang pagkakaloob sa player ng mga manlalarong makakatulong para mapalakas ang tsansa sa kampeonato.
Nais din ng team maging tama ang desisyong ipamigay ang 2027 at 2029 first-round draft picks.
Komento naman ni Westbrook: “Whether they want me here or not doesn’t really matter.” Ang mahalaga aniya, excited na siyang bumalik sa court.
WESTBROOK,
STARTER?
DAHIL sa ongoing training camp para sa 2022-23 NBA season, ang tanong: Sinu-sino ang starting lineup ng Lakers?
Sina LeBron James at Anthony Davis ay walang duda sa role, dahil sila naman ang tunay na superstars ng team.
Para sa tatlong iba pang spot, pag-aagawan ito ng iba nilang teammates.
Sa Media Day, sinabi ni coach Darvin Ham hindi pa siya nagdedesisyon kung ‘starter’ si Westbrook o ‘bench.’
Hindi katulad sa nakaraang season, kung saan walang masyadong magamit na starting point guard, ngayon ay maraming maaaring pagpilian si Ham kina Westbrook, Kendrick Nunn, Patreick Beverley, Austin Reaves at Dennis Schroder.
SIXERS MOVE-ON
NA KAY SIMMONS
KATULAD ng ibang koponan, pinaghahandaan na rin ng Philadelphia 76ers ang NBA 2022-23 season.
Sa Media Day sa team’s training complex sa Camden, N.J., inihayag ng koponan na kinalimutan na nila ang “Ben Simmons saga.”
Sa halip sagutin kung naging distraksyon ang ginawa ni Simmons, mas minabuting pag-usapan ang improvement ng individual players nitong offseason.
Magsisimula ang training camp ng team (Miyerkoles sa Manila) sa Charleston, South Carolina.
Sa nakaraang season, bunga ng drama ni Simmons, kahit may broken bone sa mukha at torn ligament sa kanyang thumb ay lumaro pa rin si Sixers star Joel Embiid na may face-mask.
Pero ayon kay Embiid, hindi na dapat pag-usapan iyon dahil maayos na siya at handang-handa nang magbalik-basketball.
HEALTHY
HARDEN
NANG masipa ang Sixers ng Heat sa conference semifinals noong Mayo, lahat ay ginawa ni James Harden upang mapanatiling nasa magandang kondisyon ang pangangatawan, bagay na hindi niya nagagawa sa nakalipas na dalawang season.
Sa tuwing matatapos ang season, hindi mapigilan ni Harden lumobo.
Ngunit sa pagkakataong ito, nag-diet siya upang magaang na mapaghandaan ang season.
“It’s dieting,” ani Harden. “It’s proper rest and then it’s just, for me, I think it’s strengthening my muscles and gaining more muscle mass, which I always had.
“It’s just this last year and a half, I wasn’t healthy enough to put the proper work in like I’m used to. This summer was huge for me in that aspect. The hill runs and the weight lifting were important and added to the skill on the court as well.” (VT ROMANO)
242 