TENT KALOOB NG NGO SA MANILA PCPs

NAGBIGAY ng anim na tent ang grupong Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa mga Police Community Precinct na sakop ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station, Biyernes ng umaga.

Pinangunahan ni Nelson Guevarra, CEO ng PG Flex, ang turnover ceremony ng anim na tent kay Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, kaharap ang mga Police Community Precinct Commander na kinabibilangan nina Police Lieutenant Ferdinand Cayabyab ng Blumentritt PCP, Police Major Arnold Echalar ng Alvarez PCP at Police Captain Rowel Robles ng Plaza Miranda PCP.

Makatutulong ang mga tent sa paglalagay ng mga karagdagang pulis sa matataong lugar sa lungsod na sakop ng area of responsibility ng naturang police station.

Nauna nang pinaigting ng pulisya ang police visibility bilang paghahanda sa pagdagsa ng tao ngayong papalapit ang Undas at Kapaskuhan.

Buo ang suporta ni MPD Director Police Brigadier Andre Perez Dizon kay Solas at sa mga PCP Commander sa patuloy nilang paglilingkod sa mamamayan. (RENE CRISOSTOMO)

221

Related posts

Leave a Comment