2 AFRICANS HINARANG SA PEKENG PASSPORT

DALAWANG African, kabilang ang isang babae, ang hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang tangkaing pumasok sa bansa at nagpanggap na Canadian citizens.

Batay sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, na isinumite ni Bureau of Immigration, Port Operations chief, Atty. Carlos Capulong, ang dalawang pasahero ay dumating sa NAIA Terminal 3 noong Setyembre 25 lulan ng Emirates airlines galing Dubai.

Ayon kay Capulong, ang dalawa ay nagpakita ng pekeng Canadian passports sa immigration officers subalit pinagdudahan ang kanilang travel documents.

Kinilala ang lalaking pasahero na si Adraman Issa Mariam habang ang babae ay si Halime Abba Souleymane, kapwa African national.

“Apparently, they attempted to conceal their true nationality in the belief that they would be allowed entry into the country without being subjected to strict inspection by our officers. They are wrong to assume that such documents can pass as legitimate,” ayon kay Capulong.

Agad namang ipinag-utos ni Tansingco ang pagsama ng kanilang pangalan sa immigration blacklist upang hindi sila muling makapasok ng bansa. (RENE CRISOSTOMO)

296

Related posts

Leave a Comment