PRIORITY LEGISLATION NG MARCOS ADMIN NILATAG SA LEDAC MEETING

INILATAG sa Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa Malakanyang kahapon ang mga prayoridad na panukalang batas ng Marcos administration.

Sa official social media post ng Office of the Press Secretary (OPS), kabilang sa mga tinalakay sa LEDAC meeting bukod sa mga legislation na isusulong ng administrasyon ay ang pamantayan para sa Common Legislative Agenda o CLA at ang mga kinakailangang pagbabago sa COVID-19 vaccination program act.

Ito ang kauna-unahang LEDAC meeting sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tinalakay rin ng 20-member council, sa pangunguna ni Pangulong Marcos ang kalagayan ng legislative agenda ng executive department na ipinresenta sa Chief Executive sa kanyang kauna-unahang State-of-the-Nation Address (SONA) noong Hulyo.

Kabilang sa konseho ang Bise-Presidente, pitong miyembro ng Gabinete na itinalaga ng Pangulo, tatlong miyembro ng Senado na itinalaga ng Senate President, tatlong miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na itinalaga ng Speaker of the House, isang kinatawan mula sa local government units (LGUs),  isang kinatawan mula sa youth sector at isang kinatawan mula sa pribadong sektor.

Inaasahan ding napag-usapan ang priority measures gaya ng National Government Rightsizing Program (NGRP); Budget Modernization Bill; Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) at Unified System of Separation, Retirement and Pension.

Gayundin ang isyu ng economic bills na E-Governance Act; National Land Use Act; Tax Package 3: Valuation Reform Bill; Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) at Internet Transaction Act or E-Commerce Law.

Sa larangan naman ng national security, ang National Defense Act; Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP); pagtatatag ng Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority, Virology Institute of the Philippines, at Department of Water Resources.

Kasama sa legislature’s agenda ang posibleng pag-amyenda sa COVID-19 Vaccination Program Act (RA No. 11525). (CHRISTIAN DALE)

155

Related posts

Leave a Comment