Ni JOEL O. AMONGO
ASAHAN ang mas madalas at mas malaking operasyon kontra droga, ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay na pagbibigay ng pagkilala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na kapwa sumang-ayon na pangunahan ang naturang operasyon sa Tondo, Maynila.
Sa isang pahayag, binigyang halaga ni Ruiz ang pagsasanib pwersa ng tatlong ahensya – PDEA, PNP at Bureau of Customs (BOC). Aniya, naging maingat ng bawat kilos ng tatlong ahensya sa hangaring panatilihin lihim ang bawat detalye ng operasyon batay sa impormasyong ibinahagi ng kawanihan.
“We want to thank PDEG for leading the operation. It would not be possible without the help of many other agencies, including the BOC and PDEA, but PDEG deserves the credit for acting upon the information they got, investigating the area and the suspect, and coordinating with all of us for the success of this operation,” ani Ruiz sa isang kalatas.
Araw ng Lunes nang masakote ng mga operatiba ang 50-anyos na si Ney Saligumba Atadero, na kalaunan ay inginuso ang kasamahang si M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr., miyembro pala ng PNP Drug Enforcement Group. Halos umabot ng isang tonelada ang kabuuang dami ng nasakoteng droga – ang pinakamalaki batay sa pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Kabilang rin sa mga nahagip sa naturang operasyon sina Juden Francisco na nadakip sa Barangay Rosario, Pasig City; Lyndon Dionson; Kenneth Dionson; Dindo Cochoco; Ritzel Carballo; Bernardo Yator Corridor; Rodolfo Detalla; at Virgilio Bacus.
Ayon kay Ruiz, ang matagumpay na operasyon ay patunay walang dambuhalang sindikato ang hindi kayang gibain kung kolektibo ang pagkilos. Malaking bentahe rin aniya ang selyadong impormasyon sa bawat galaw ng mga naturang ahensya.
“Sometimes, in an operation as big as this, it takes a lot to keep it under wraps and ensure no one would get wind of the plan. This is why coordination among different government agencies must be top-notch. We need to ensure we can trust and work with one another,” dagdag pa ni Ruiz na nagsilbing operatiba ng PDEA sa loob ng mahabang panahon bago pa man naging bahagi ng BOC taong 2017.
Dagdag pa niya, bahagi ng operasyon ang kanilang Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP).
Pagtitiyak naman ni BOC-CIIS Director Jeoffrey Tacio, mas paigtingin pa ng kanilang hanay ang pakikipag-ugnayan sa PDEA at PNP para makasigurong walang kawala ang mga sangkot sa pagpupuslit ng droga sa bansa.
“Drugs have long been our society’s biggest problem. The BOC is one with the current administration and our partner agencies in taking the necessary steps to stop this menace,” sambit naman ni Tacio.
