Paalala ni former Executive Sec. Vic Rodriguez IBAYONG INGAT AT PASENSYA NGAYONG UNDAS

MATAPOS ang halos isa’t kalahating buwan mula nang magbitiw sa pwesto bilang Executive Secretary, muling lumabas sa publiko si Atty. Vic Rodriguez para paalalahanan ang publiko kaugnay ng nalalapit na paggunita ng mga yumao sa Nobyembre 1.

Sa kanyang video message na ipinarating gamit ang Facebook, nanawagan si Atty. Rodriguez sa publiko na mag-ingat sa pagbiyahe pauwi sa iba’t ibang lalawigan para bisitahin ang mga kaanak na yumao.

Dagdag pa niya, agapan ang pagbiyahe upang maiwasan ang nakaambang masikip na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

“Bilang paalala sa mga nakatakdang bumiyahe, mag-ingat po tayo at magbaon ng napakaraming pasensya, pang-unawa at lamig ng ulo, sapagkat natitiyak ko magiging matrapik sa ating mga lansangan, paliparan at pantalan. Kaya hindi makakatulong, hindi bibilis ang biyahe kung paiiralin ang init ng ulo,” aniya.

Para kay Rodriguez, ang paggunita ng Araw ng mga Patay ay patunay ng mahigpit na ugnayan ng mga pamilyang Pilipino – buhay man o sumakabilang buhay.

“Ang nalalapit na long weekend at para sa ating mahal sa buhay na yumao. Nawa’y wag mawawala ang tunay na diwa ng nalalapit na Undas,” aniya pa.

Hinikayat din ng abogado ang mga Pilipino na samantalahin ang pagkakataong makasama ang mga miyembro ng pamilya sa mahabang bakasyon matapos ideklara ng Pangulo na pista opisyal ang Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 (Lunes at Martes).

“At the same time, let’s take advantage of the long weekend to spend time with our family and friends.”

Samantala, tinugon naman ni Rodriguez ang mga paanyaya ng mga taga suporta mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kasabay ng pangakong iikutin niya ang bansa upang makasama ang mga tumulong sa kanyang mga panawagan noong panahon ng kampanya.

261

Related posts

Leave a Comment