KARPINTERO SUMUKO SA KASONG ACT OF LASCIVIOUSNESS

KUSANG-LOOB na sumuko sa Office of Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion ( DMFB) ng Manila Police District, ang isang 50-anyos na karpintero makaraang malaman nito na siya ay may arrest warrant dahil sa kasong 12 counts ng act of lasciviousness.

Kinilala ni Police Colonel Julius Anoñuevo, hepe ng MPD-DMFB, ang suspek na si alyas “Edilberto”, binata, ng Malamig St., Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Col. Anuñuevo, bandang alas-9:10 ng umaga nitong Biyernes, Oktubre 28, nagpasama ang akusado kina Chairman Jaime Diomampo at Kagawad Ernesto Calingo ng Barangay 536, Zone 53, sa tanggapan nito sa Intelligence Office.

Ayon kay Police Lieutenant Bryan Rei, chief intel, iniatang sa kanya ni Anuñuevo ang pagsasaayos ng mga dokumento hinggil sa pagkakakilanlan ng akusado.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ni Presiding Judge Jaime Mendoza Guray, ng Regional Trial Court Branch 260 ng Parañaque City, na may petsang Oktubre 18, 2022.

Inirekomenda ng korte na maglagak ang suspek ng pyansang P432,00 sa 12 counts ng acts of lasciviousness para sa pansamantala nitong paglaya. (RENE CRISOSTOMO)

527

Related posts

Leave a Comment