Ni VT ROMANO
MALIBAN kina All-stars Kevin Durant at Kyrie Irving, may limang iba pang hindi sumalang sa laro ng Brooklyn kontra Indiana Pacers.
Sa kabila nito, naitakas ng Brooklyn ang 136-133 win, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Indianapolis.
Nagtala si Cam Thomas ng career-high 33 points, nagdagdag si Patty Mills ng 24 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Brooklyn at pang-anim sa pitong laro.
Na-outrebound ng Nets ang Pacers, 59-30 overall at 29-7 sa offensive side.
Tumapos si Tyrese Haliburton may 35 points, pinakamalaking puntos niya sapol nang mag-join sa Pacers noong Pebrero, mayroon din siyang nine assists.
Anim din sa teammates ni Haliburton ang may double figures sa paglista ng 21 3-point shots, kinapos ng dalawa para sa franchise’s single-game record na naitala laban sa Brooklyn noong Oktubre.
Pinagpawisan ang Nets sa tres ni Andrew Nembhard na pupwersa sana sa overtime sabay ng buzzer bago tuluyang nagdiwang sa panalo, kahit siyam na manlalaro lamang ang nakauniporme.
Nagawang dumikit ng Brooklyn at bumalikwas matapos habulin ang 120-113 count, 5:04 sa laro.
Susunod na kalaban ng Nets ang Washington Wizards sa Lunes, habang haharapin ng Pacers ang Miami Heat.
