DATING PULIS PATAY SA AMBUSH

LAGUNA – Patay ang isang dating pulis makaraang pagbabarilin sa Brgy. Mayapa, Paciano Rizal sa Calamba City noong Huwebes ng gabi.

Sakay ng motorsiklo si Leo James Garcia Agpalo, dating pulis at ngayon ay isa nang security officer, nang pagbabarilin ng ‘di kilalang mga lalaki sa bahagi ng Service Road, Doctora’s Compound, Silangan Street, Brgy. Mayapa dakong alas- 6:15 ng gabi.

Dead on arrival sa pagamutan si Garcia makaraan ang insidente.

Kasalukuyang nagsasagawa ang mga awtoridad ng Oplan Sita sa lugar na posibleng pinuntahan ng tumakas na mga suspek. (CYRILL QUILO)

227

Related posts

Leave a Comment