CPP-NPA-NDF BABAGSAK NA SA PAGKAMATAY NI JOMA – DND

BUNSOD ng pagkamatay ni Jose Maria Sison, pinaniniwalaang gumuho na ang ‘hierarchy’ ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA-NDF), na itinatag nito para marahas na ilagay ang sarili sa kapangyarihan.

Ito ang inilabas na pahayag ng Department of National Defense kaugnay sa pagkamatay ng 83-anyos na CPP-NPA founder na si Ka Joma Sison noong Biyernes ng gabi sa The Netherlands.

“His death deprived the Filipino people of the opportunity to bring this fugitive to justice under our country’s laws, ani DND spokesperson Director Arsenio Andolong.

Ang kanyang pagkamatay ay nag-alis ng pagkakataon sa mamamayang Pilipino na dalhin ang puganteng ito sa hustisya sa ilalim ng mga batas ng ating bansa, ayon pa sa inilabas na pahayag.

Sinasabing si Sison ang responsable sa pagkamatay ng libu-libong kababayan natin. “Ang mga inosenteng sibilyan, sundalo, pulis, bata at kabataang mandirigma ay namatay dahil sa kanyang pag-uutos,” pahayag pa ni Andolong

“Nananawagan kami sa natitirang iilang mananampalataya ng komunistang kilusan, na hindi sinasadyang naging kaaway ng bayan, na nabulag pa rin sa mga duplicit at bigong pangako ni Sison, na talikuran ang marahas at huwad na ideolohiya ng CPP-NPA-NDF,” ayon pa sa pahayag ng kagawaran.

Ayon pa sa pahayag, ang limang dekada ng brutal at madugong pananalakay laban sa estado at sambayanang Pilipino ay walang ibang naidulot kundi pagkawasak at alitan para sa libu-libong Pilipino.

“Isang bagong panahon na wala si Jose Maria Sison ay sumisikat para sa Pilipinas, at lahat tayo ay magiging mas mabuti para dito. Ang pinakamalaking hadlang ng kapayapaan para sa Pilipinas ay wala na; bigyan natin ngayon ng pagkakataon ang kapayapaan,” dagdag pa Ani Andolong. (JESSE KABEL RUIZ)

192

Related posts

Leave a Comment