INARESTO ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang 16-anyos na binatilyo dahil sa kasong rape sa bisa ng warrant of arrest, makaraang matunton sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rey”, estudyante at residente ng Bago Bantay, Quezon City.
Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, bandang alas-9:15 ng gabi nang maispatan ang binatilyo, sa tulong ng isang impormante, sa Bago Bantay, Road 1, Quezon City.
Ang binatilyo ay itinuturing ng pulisya na most wanted person sa district level.
Inaresto ang suspek ayon sa utos ni Major Samonte kay Police Major Emmark Dave Apostol, Deputy chief ng DID- SMaRT, nang matunton ito sa nasabing lugar, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Maria Gilda Loja – Pangilinan ng Regional Trial Court Branch 229 ng Quezon City, na may petsang Enero 12, 2023, sa kasong rape (Revised Penal Code Article APE 266-A).
Walang inirekomenda ang korte na pyansa para sa nasabing kaso ng suspek.
Ang suspek ay dinala na ng mga awtoridad sa kustodiya ng DSWD dahil sa pagiging menor de edad nito. (RENE CRISOSTOMO)
246