LUCENA CITY – Isa na namang lalaki ang namatay sa pamamaril ng hindi kilalang motorcycle riding gunman sa national road, Barangay Isabang, sa lungsod na ito, noong Martes ng umaga.
Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Charles Moises Abadilla Vidal, 33, residente ng Barangay Ilayang Talim, at empleyado ng San Miguel-Magnolia poultry dressing plant sa Barangay Domoit, Lucena City.
Batay sa report, dakong alas-6:30 ng umaga, papasok sa kanyang trabaho ang biktima sakay ng motorsiklo at tinatahak ang Maharlika highway nang ito barilin ng suspek na nakasakay sa isa ring motorsiklo.
Tinamaan ng bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay sa pinangyarihan ng insidente. (NILOU DEL CARMEN)
139