Bivalent COVID-19 vaccines limitado lang

NITONG Martes, inanunsyo ni Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa ang pagdating ng 390 thousand bivalent COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility. Ang mga dumating na vaccines ay isa raw donasyon at nare-distribute na sa iba’t ibang rehiyon ng DOH.

Ngayon June 21, ay magsisimulang mag-distribute ng doses sa Philippine Heart Center at iba pang health development centers.

Ang Pfizer bivalent vaccine ay maibibigay sa iba’t ibang phases upang mai-prioritize ang healthcare workers (HCW) at mga immunocompromised na mga Pilipino.

Ang mga eligible na maaaring makatanggap ng bivalent vaccine ay ang mga HCW at senior citizens na nakatanggap na ng pangalawang booster shots sa loob ng nagdaang apat hanggang anim na buwan.

Limitado lamang ang supply ng bivalent vaccine na maibibigay sa mga tao, ngunit idiniin ng kalihim na ang monovalent COVID-19 vaccine ay sapat at available upang maging booster shot ng mayorya ng populasyon ng bansa.

Ano nga ba ang kaibahan ng bivalent COVID-19 vaccine sa monovalent equivalent nito? Mas specified ang antibody na laman ng bivalent vaccine sa ever-evolving variant na Omicron kaysa monovalent vaccine na naka-focus pa rin sa main strain na COVID-19.

Epektibo pa rin ang monovalent COVID-19 vaccine bilang panlaban sa naturang virus ngunit mas targeted ng bivalent type ang Omicron variant na may mas mabilis na pagkalat at mabilis mag-evolve at magbigay ng panibagong mga sintomas.

Pinapayuhan ang lahat na magpaturok ng monovalent COVID-19 vaccine upang mas tumibay ang resistensya mula sa COVID-19 habang limitado pa ang supply ng bivalent COVID-19 vaccine.

161

Related posts

Leave a Comment