GWARDIYA NAG-SUICIDE SA BANGKO

CAVITE – Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili ang isang gwardiya sa loob ng binabantayang bangko gamit ang kanyang service firearm sa Cavite City noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Luisito Bico.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:55 ng umaga, nag-duty ang biktima bilang pang-umagang gwardiya sa isang bangko sa P. Burgos Ave., Barangay 19, Caridad, Cavite City.

Una siyang nagtungo sa banyo upang magsuot ng kanyang uniporme at paglabas ay dumiretso sa entrance ng bangko kung saan kinuha ang kanyang service firearm na kalibre 9mm pistol na nakalagay sa podium at muling bumalik sa banyo.

Maya’t-maya lang ay nakarinig ng putok ng baril ang kasamahang gwardya na si Robert Allan Cristobal at ilang staff ng bangko kaya binuksan ang pintuan ng banyo ngunit nakitang duguang nakahandusay ang biktima hawak ang kanyang service firearm.

Ayon sa kapatid na babae ng biktima, si Bico ay nagtangka na ring magpakamatay noong Nobyembre 2022 subalit naagapan ito.

(SIGFRED ADSUARA)

273

Related posts

Leave a Comment