RETIRADONG SUNDALO, BINOGA SA DUYAN

CAVITE – Sugatan ang isang 61-anyos na retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) nang paulanan ng bala ng suspek habang natutulog sa duyan sa kanilang bahay sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Greg Sanchez y Erojo, may live-in partner, retiradong army, residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang alyas “Franco” na

‘person of interest’ sa pamamaril sa biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:48 ng gabi, habang natutulog ang biktima sa duyan sa loob ng kanilang bahay nang paulanan ito ng bala ng suspek gamit ang .45 kalibre ng baril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital.

Inaalam pa kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

415

Related posts

Leave a Comment