1,368 REAMS NG YOSI NASABAT SA BOC-GENERAL SANTOS

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of General Santos, ang 1,368 reams ng iba’t ibang sigarilyo na tinatayang aabot ng P684,000 halaga, noong Hulyo 4, 2023, sa Polomolok, South Cotabato.

Ang operasyon ay isinagawa sa close coordination ng Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) at Enforcement Security Service (ESS), kasama ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) South Cotabato Provincial Field Unit at Polomolok Municipal Police Station.

Ang nasabing items ay kinumpiska bilang bahagi ng entrapment operation na isinagawa sa ilalim ng CIDG’s Flagship Project, “Oplan Mega Shopper,” na ang layunin ay mapuksa ang ‘smuggling, manufacturing, distribution, and trading of counterfeited products.’

Kasunod ng pagkakasabat, isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inirekomenda para sa nakumpiskang naturang items.

Samantala, inihahanda na ang kasong kriminal sa mga taong nasa likod nito.

Sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Guillermo Pedro A. Francia IV, ang Port of Davao at kanilang Sub-Ports ay nananatili sa kanilang pangako para sa pinaigting na kampanya laban sa ‘illegal importation of goods’ sa bansa.

Ang pagsisikap ay bunga ng pakikipagtulungan sa kanilang partner regulating and enforcement agencies na nakalinya sa priority programs ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Layunin ng mga programa na itaas ang BOC sa international standards sa revenue collection, border protection, and trade facilitation.

(JOEL O. AMONGO)

254

Related posts

Leave a Comment