NAKAKOLEKTA ang Bureau of Customs ng P74.861 billion sa duties and taxes para sa buwan ng Hunyo kung saan ay nalagpasan nila ng P140 million ang itinalaga sa kanilang target na P74.721 billion para sa nasabing buwan.
Base sa ulat mula sa Bureau of Treasury, ang BOC’s June collection ay nagdala sa ahensiya ng kabuuang koleksyon mula Enero hanggang Hunyo ng P434.169 billion, na mas mataas ng P13.505 billion o 3.21% mas mataas sa P420.66 billion sa nakatalagang revenue target.
Ang nasabing halaga ay sumasalamin ng P37.434 billion na pagtaas kumpara sa nakaraang taon.
Ang nasabing pagtaas ng kita ay naabot sa kabila ng mga pagsubok sa importation volume, kung saan ay 2.8% ngayong taon para sa high-value commodities.
Karagdagan nito, ang volume ng oil ay tumaas sa 9.9% ngayong taon kumpara sa nakaraang taon, ang revenue mula sa nasabing commodity ay bumaba dahil na rin sa pagbaba ng value ng oil sa world market (from as high as $1.1 per liter in June 2022 to just $ 0.63 per liter average this month).
Ang walang humpay na kampanya ng BOC laban sa lahat ng klase ng smuggling ay makabuluhang nakaambag sa kanilang collection performance.
Gayundin, ang anti-smuggling efforts ay nagresulta sa pagkakasabat sa shipments na tinatayang umabot sa halagang P22.2 billion ngayong taon.
Sa mga ito, ang P15.54 billion ay mula sa nasabat na counterfeit goods, P2.86 billion mula sa nasabat na agricultural products, at P1.86 billion mula sa cigarettes/tobacco, at marami pang iba.
Ang Bureau ay nakapagtala ng makabuluhang mga dagdag ngayong taon. Bukod sa pagkakalagpas nila sa kanilang monthly collection target, ay may record-breaking daily collection na P7.510, kung saan ay pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan ng BOC ang naitala ngayon taon, noong Abril 28, 2023, sa ilalim ng pagbabantay ni Commissioner Bienvenido Rubio.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Commissioner Rubio ang mga empleyado ng bureau sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at kasipagan na naging daan sa remarkable achievement.
Sinabi pa ni Commissioner Rubio, ang implementasyon ng BOC’s 5-point priority program “has started to effectively produce the desired results”.
Ang BOC’s 5-point priority program ay suporta sa government’s economic agenda sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
(JO CALIM)
307
