(DANG SAMSON GARCIA)
BALAK ni Senate committee on public services chairperson Grace Poe na kwestyunin ang naging proseso ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa bidding sa paggawa ng bagong logo ng ahensya.
Ayon kay Poe, dapat matiyak na may proper bidding sa proyekto kasabay ng paniniguro na nakatatanggap naman ng tamang kompensasyon ang mga creatives tulad ng artists.
Binigyang-diin ng senador na bagama’t dumedepende sa trabaho ng mga tauhan ng creatives ang dapat na ibayad sa kanila, dapat din anyang tiyakin na maayos na nagagastos ang pondo ng gobyerno.
Ipinaalala ni Poe na limitado ang budget ng gobyerno kaya’t dapat ding tipirin ang paggugol dito.
Kaugnay naman sa kwestyon sa opisina ng nanalong kumpanya na gumawa ng logo, walang nakikitang problema si Poe kung kumpleto naman ang kanilang mga papeles at nakatugon sila sa mga kinakailangang requirements.
Kasabay nito, tila nagduda rin ang senador na umabot sa P3 milyon ang halaga ng logo.
257 