Cong. Elizaldy Co ng Ako Bicol kinuha ang tulong ni ‘Kuya Wil’ upang magdala ng kasiyahan at inspirasyon sa mga Mayon Evacuation Centers

LEGAZPI, Albay — Nagtulungan si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co at Willie “Kuya Will” Revillame upang magdala ng Kasiyahan at inspirasyon sa mga residenteng lumikas dahil sa panganib ng Bulkang Mayon.

Kinuha ni Co ang tulong ng television host, dahil naniniwala siya na mahalagang magdala ng ibang uri ng tulong – tuwa at inspirasyon – sa mga evacuee maliban sa food packs, upang matulungan ang kanyang mga kababayan na mapagtibay ang loob sa kabila ng hirap ng pamumuhay sa mga evacuation centers.

Nanguna si Co sa mga relief operation sa lalawigan na ito mula Hulyo 14-15 sa apat na evacuation centers: Gabawan Evacuation Center sa Daraga, kung saan tumutuloy ang 600 na residente mula sa Brgy. Matnog; San Andres Evacuation Center sa Sto. Domingo, kung saan nagsisilbing pansamantalang tirahan ng 1,588 residente mula sa Barangays Fidel Surtida, Sta. Misericordia, at San Fernando; San Antonio Elementary School Multi-Purpose Building sa Tabaco, na nagbibigay-tahanan sa 500 lumikas; at Bariw Covered Court sa Brgy. Bariw, Camalig, kung saan nananahan ang 545 taong lumiklas dahil sa aktibidad ng Mayon.

“Hindi lang hangarin ng relief operation na ito na magbigay ng pagkain, kundi pati na rin palakasin ang loob ng mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon,” sabi ni Co, chairman ng House Committee on Appropriations.

“Sa mga panahon ng krisis, mahalagang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga evacuee, ngunit hindi rin mawawala ang kahalagahan ng mga sandaling pahinga at inspirasyon sa kanila,” dagdag pa niya.

Kinilala ni Co ang kapangyarihan ng pagpapatawa sa mga panahon ng kagipitan, kaya lumapit siya kay Revillame upang ibahagi ang kanyang nakakahawa at nakaaaliw na enerhiya sa mga evacuee.

Malugod na tinanggap ni Revillame ang imbitasyon, na nagpapahiwatig ng kanyang pagbabalik sa entablado.

Naging memorable ang nexperience ng mga evacuee sa naganap na relief operation nitong weekend dahil sa kasiyahan at karisma ni Revillame, na nagdulot ng kaligayahan at pag-asa.

“Lubos kong inaappreciate ang paglaan ni Kuya Wil ng kanyang oras at enerhiya upang palakasin ang loob ng mga evacuee. Nagdulot ng malaking kasiyahan at inspirasyon ang kanyang presensya sa lahat,” sabi ni Co, na nagpapakita ng kahalagahan ng kolektibong pagsisikap upang tulungan ang mga komunidad at palakasin ang kanilang loob.

“Heartwarming na makita kung paano ang nakakapaglikha ng positibong epekto sa buhay ng mga taong humaharap sa mga pagsubok ang entertainment,” dagdag pa niya.

PAGPAPANGAKO NI CO NA PAUNLARIN ANG MGA EVACUATION CENTERS

Pagkatapos nito, ipinangako ng mambabatas na pagtatrabahuhan niya ang pagpapabuti ng mga kondisyon sa mga evacuation sites sa pamamagitan ng isang inisyatiba na magbibigay ng kaginhawaan sa mga evacuee sa panahon ng kalamidad.

“Determinado akong tugunan ang mga kakulangan ng ating mga kasalukuyang evacuation centers at ibahin ang kalagayan ng pamumuhay ng ating mga kapwa Bicolano. Walang sinuman ang dapat manatiling nagtitiis sa sobrang kahirapan habang naghahanap ng kanlungan sa panahon ng kalamidad,” sabi ni Co sa kanyang talumpati sa isang relief operation sa Brgy. Bariw, Camalig.

Sinabi niya na mayroon siyang plano upang mapabuti ang mga evacuation sites sa buong Rehiyon ng Bicol.

Ang plano na ito ay sumasaklaw sa pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng mga air-conditioning unit at epektibong ventilation system. Bukod dito, kasama rin sa plano ang pagtatayo ng mga barangay health clinic sa mga lugar na ito, upang agad na makakuha ng kinakailangang medical check-up at pangangalaga ang mga evacuee.

303

Related posts

Leave a Comment