INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang batikang kolumnista at dating broadcaster sa TV station, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hulyo 18, 2023, dahil sa kasong illegal recruitment at estafa.
Mula sa NBI detention cell ay inilipat na sa Quezon City Jail si Jose Sonza aka “Jay”.
Base sa ulat na isinumite kay NBI Director Medardo De Lemos, nasabat si Sonza sa NAIA, na patungo sana sa Hong Kong.
Hinarang umano ito at inalam sa Bureau of Immigration na nakabase sa NAIA, kung ito ang may kinahaharap na kaso saka dinala sa NBI.
Si Sonza ay nahaharap sa 2 counts ng large scale illegal recruitment at estafa na walang katapat na pyansa.
(RENE CRISOSTOMO)
221