PATULOY sa kanyang “Mindanao tour” ang actor na si John Lloyd Cruz. Pagkatapos ng Lanao del Sur at Cagayan de Oro, pinuntahan naman ni John Lloyd ang Dahilayan Adventure Park sa Bukidnon.
Mukhang enjoy na enjoy siya kasama ang mga non-showbiz friends.
Sa mga Facebook photos, kitang-kita na hindi pa rin nagpapagupit at nag-aahit ang aktor kaya marami ang nadidismaya sa kanyang itsura. Hindi na siya tulad ng dati na ang guwapo-gwapo at mukhang laging mabango. Ibang-iba na ang aura niya at sabi nga ng ilang netizens ay mukhang ermitanyo na siya.
Inaasahan ang pagbabalik niya sa showbiz pero mukhang wala pa ring nagaganap na negosasyon sa pagitan niya at ng mga Kapamilya executives.
How true kaya ang tsikang hindi na interesado ang ABS-CBN sa kanya? So it’s about time na makipag-negotiate na siya sa kabilang network?
For sure, hindi siya tatanggihan ng kabilang network lalo pa’t may napatunayan na siya sa industriya at hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang kanyang mga tagahanga na nag-aabang sa kanyang muling pagbabalik.
Pero mukhang malabo pa sa ngayon ang inaabangan nating pagbabalik showbiz ni John Lloyd dahil abala siya sa pag-iikot sa iba’t ibang probinsya.
May obserbasyon nga lang ang mga supporters ni John Lloyd kung bakit hindi niya kasama sa pamamasyal si Ellen Adarna na dati-rati naman ay laging nakabuntot sa kanya?
Duda tuloy ng marami na nagkakalabuan ang dalawa. Ang duda ay may pinagdaraanan ang dalawa? Kunsabagay, normal lang naman talaga sa mag-asawa ang pagkakaroon ng tampuhan. May anak silang magbibigkis sa kanila para maging isang matatag na pamilya.
