Active cases 2,212 7 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

LIMA ang patay sa COVID-19 sa Navotas City noong Enero 5 at lumobo sa 439 ang active cases sa lungsod matapos na 77 ang nagpositibo sa virus at 10 naman ang gumaling.

Pumalo na 18,106 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 17,105 na ang gumaling at 562 ang namatay.

Isa naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City sa nasabing petsa at umakyat sa 822 ang active cases matapos na 334 ang nagpositibo sa virus habang apat lamang ang gumaling.

Sumampa na sa 36,745 confirmed cases sa lungsod, at dito ay 35,073 na ang gumaling at 850 ang namatay.

Ayon naman sa Malabon City Health Department, isa ang naitalang pumanaw sa Barangay Santulan dahil sa COVID-19 noong Enero 5, habang 61 ang nadagdag na confirmed cases.

Nabatid naman sa Caloocan City Epidemiology and Surveillance Unit na 162 ang mga bagong kasong naitala noong Miyerkoles kung kaya’t umakyat na sa 471 ang mga aktibong kaso sa lungsod.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,212 ang bilang ng active COVID-19 cases sa buong CAMANAVA area. (ALAIN AJERO)

222

Related posts

Leave a Comment