AFP AT PNP, DI DAPAT MAGKAWATAK-WATAK

PINAALALAHANAN ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hindi kailangan ngayon ng pagkakawatak-watak sa pagharap sa mga kalaban ng bayan.

Sa halip anya, dapat ipakita ng law enforcement agencies ang kanilang pagiging desidido sa bawat pakikipaglaban.

Sinabi ni Lacson na bagama’t nauunawaan niya ang nararandaman ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay subalit sa mga pagkakataong ito anya ay pinakahuling bagay ang emosyon.

Ibinabala ng senador na posibleng nagdiriwang ngayon ang mga terorista at mga rebelde dahil sa insidente sa Jolo, Sulu at maaring gamitin ito upang magpakalat ng mga maling impormasyon laban sa estado.

Samantala, tinawag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na premature at preemptive ang deklarasyon ni Lt. Gen. Gapay na murder at rubout ang insidente.

Iginiit ni dela Rosa na dapat munag tapusin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation bago maglabas ng anomang proklamasyon. (DANG SAMSON-GARCIA)

114

Related posts

Leave a Comment