AKO OFW PARTY-LIST UMARANGKADA SA QATAR

DOHA, Qatar– Gumuhit ng kasaysayan ang AKO OFW Party-list bilang unang Philippine party-list na naglunsad ng international campaign sa ikalawang araw ng opisyal na pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa May 2025 mid-term national & local elections (NLE).

Dinaluhan ng Filipino community leaders and stakeholders ang paglulunsad sa grupo na sinabayan ng pagbabahagi ng kaalaman kaugnay ng online voting.

Pormal nang ipatutupad sa Mayo ang online voting system for overseas absentee voters (OAVs) kung saan maaari nang makaboto ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat sa pamamagitan ng kanilang mobile phones, tablets, desktop & laptop computers at hindi na kinakailangan magtungo sa 77 Philippine diplomatic posts na nakatalaga sa iba’t ibang bansa.

Ikinasa ang campaign kick-off sa Araw ng mga Puso, February 14, 2025 sa Chairmen Hotel sa Doha.

Nilalayon ng AKO OFW na palawakin ang kaalaman ng mga OFW sa mga maaari nilang pagpilian para makalahok sa eleksyon.

Binigyang-diin ni Dr. Celerino “Chie” Umandap, AKO OFW’s founding chairman and first nominee ang kahalagahan ng okasyon. “This is more than just a campaign—it is a movement to empower OFWs by ensuring that every Filipino abroad is informed, engaged, and ready to make their voices count in the upcoming elections. The introduction of online voting is a game-changer, and it is our duty to guide our fellow OFWs in navigating this new system,” aniya.

36

Related posts

Leave a Comment