AKO-OFW PL PASOK SA WR NUMERO SURVEY

NAPABILANG na ang AKO-OFW party-list sa mananalong party-list groups kung ang eleksyon ay gaganapin sa araw na isinagawa ang survey ng WR Numero para sa 2025 midterm election.

Ayon kay 1st nominee and AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagtitiwala sa AKO-OFW.

Aniya, ang survey ay tinatangap lamang nila bilang inspirasyon kapalit ng kanilang pagod sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang maipaabot ang kanilang adbokasiya.

Dagdag pa ni Umandap, mas kailangan pa nilang dagdagan ang kanilang pagkilos upang higit na maabot ang bawat botante sa buong bansa.

Bilang isang dating OFW, ikinagagalak ng lahat na bumubuo sa 116 AKO-OFW dahil ramdam nito ang suporta ng mga taong umaasa sa naturang party-list.

Sa ngayon, patuloy ang pagtulong ng AKO-OFW sa mga pamilya at kamag-anak ng overseas Filipino workers.

Ang WR Numero Philippine Public Opinion Monitor ay isang inisyatiba para malaman ang pulso ng mga Pilipino sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 12.

Umaabot sa 163 seats ang pag-aagawan ng 155 party-list groups sa darating na halalan.

34

Related posts

Leave a Comment