AMB. MAURO DAPAT PARUSAHAN

HINDI dapat sibakin lang sa kanyang puwesto si Ambassador Marichu Mauro kundi dapat patawan ito ng parusa dahil sa pang-aabuso nito sa kanyang kasambahay.

Ito ang iginiit ni DIWA party-list Rep. Edgar Aglipay kaugnay ng kaso ni Mauro na nahuling sinasaktan ang kanyang kasambahay na naging malaking isyu sa Brazil kung saan siya naka-deploy mula noong 2018.

“She should be disciplined and penalized accordingly should the allegations be proven true: no one should be excused from punishment, most especially government officials, for maltreating other human beings,” ani Aglipay.

Nabatid na isang Pinay ang kasambahay ni Mauro na kanyang sinaktan sa magkakahiwalay ng pagkakataon. Nakita sa CCTV camera ang pananakit tulad ng pagpingot ng tenga, pinapalo ng walis at sinasabunutan na nangyari sa Diplomatic Residence sa Brazil.

Pina-recall na ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., si Mauro para pagpaliwanagin.

Naghain din ng resolusyon si Aglipay para paimbestigahan sa House committee on labor and employment kung nasusunod ang Republic Act (RA) 10361 o Kasambahay Law dahil mismong ang Diplomat na si Mauro ay hindi sumusunod dito.

“It is hoped that an inquiry in aid of legislation will point out ways how the law can be further strengthened. Our kasambahays deserve nothing less,” anang mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

161

Related posts

Leave a Comment