Ambush o encounter? 8 LALAKI BUMULAGTA SA KALSADA

NORTH Cotabato – Walong bangkay ng kalalakihan ang natagpuang nakahambalang sa municipal road patungo sa Brgy. Aringay sa bayan ng Kabacan sa lalawigang ito, nitong Sabado ng tanghali.

Pinaniniwalaang pawang sakay ng mga motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek malapit sa University of Southern Mindanao (USM) campus.

Agad na nirespondehan ng militar at Kabacan PNP ang insidente at mabilis na kinordon ang lugar bagama’t hindi pa malinaw ang ulat kung ambush o engkuwentro ang nangyari sa pagitan ng mga pulis at lawless elements.

“Reports are sketchy. Some say it was an ambush other say it was an encounter between police and gunmen,” ayon sa isang kasapi ng Kabacan PNP.

Kasalukuyang nagsasagawa post crime investigation ang mga tauhan ng PNP-Scene of the Crime Operatives.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente sa Brgy. Poblacion, Kabacan,

Nag-imbestiga na rin ang Kabacan PNP katuwang ang tropa ng militar sa madugong pamamaril sa mga biktima. (JESSE KABEL)

149

Related posts

Leave a Comment