AMNESTIYA SA BUWIS, TRAFFIC VIOLATIONS APRUB SA MAYNILA

APRUBADO na matapos pirmahan ni  Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ordinansa na nagbibigay ng amnestiya sa hindi nabayarang business at real property tax gayundin ang hindi pa nabayarang multa sa traffic violations sa lungsod

Ayon sa  Ordinance No. 8773,  naipasa sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang mga maaaring makakuha ng amnestiya ay mga nagmamay-ari o nag-o-operate ng ano mang negosyo sa Maynila, may-ari ng mga real property, mga lumabag sa batas trapiko, at mga may nakabinbing local tax case sa korte.

Nabatid na mismong ang alkalde  ang humiling sa Sangguniang Panglungsod na magpasa ng ordinansa ng amnestiya upang matulungan ang naghihikahos na mga negosyante at mamamayan dahil sa hirap ng buhay ngayong pandemya.

“The current pandemic has brought about unexpected socio-economic challenges to the country.  As a result, many businesses have remained closed further causing the loss of jobs and opportunities,” ayon sa ordinansa.

Lahat ng surcharges, interest, penalties ay tinanggal sa panahon ng amnestiya habang ang prinsipal na halaga lamang ng buwis ang babayaran.

Ipatutupad ang amnestiya mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 29 kung kailan dapat mabayaran na ang buwis at mga bayarin. (RENE CRISOSTOMO)

164

Related posts

Leave a Comment