ANAK GINAHASA, MISIS MINALTRATO SADISTANG AMA ARESTADO

rape200

NUEVA VIZCAYA – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang anak at pananakit sa kanyang misis, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Atolba Jr. ng RTC Branch 30 ng Bambang, Nueva Vizcaya, inaresto ng mga pulis ang 25-anyos na suspek sa kasong rape at two counts ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, sa bahay nito sa Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Batay sa report ng Kayapa Police Station, nag-ugat ang kaso bunsod nang makailang ulit na panggagahasa ng suspek sa 15-anyos niyang dalagitang anak na may problema sa pag-iisip.

Nabuko lamang ang ginagawang kahalayan ng suspek nang mahuli ito sa akto ng kanyang misis na ginagahasa ang kanilang anak.

Dahil dito, hindi pinalampas ng misis ang ginawa ng kanyang asawa, isinumbong sa pulisya at sinampahan ng kaso.

Ayon sa ginang, kaya niyang pagtiisan ang pananakit ng asawa ngunit hindi niya mapalalampas ang panggagahasa sa kanilang anak.

Nakakulong na ang suspek sa lock-up cell ng nasabing himpilan. (ANNIE PINEDA)

 

245

Related posts

Leave a Comment