ANG BRGY. TANOD CONVENTION AT ANG DIALYSIS CENTER SA QUEZON PROVINCE!

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA Barangay Tanod Workers Convention 2024, naging tagumpay ang pagtitipon ng 2,689 na tanod mula sa Ikalawang Distrito ng Quezon.

Ito ay isang makasaysayang okasyon kung saan ipinakita ng ating mga tanod ang kanilang dedikasyon sa pagbabantay at paglilingkod sa ating komunidad.

Nagdulot ng kasiyahan at pag-asa ang pagbibigay ng bagong uniporme, emergency kits, at food packs para sa kanilang mga pangangailangan. Hindi rin tinalikuran ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pagtulong kaya’t taos-pusong nagpasalamat si Gov. Helen Tan sa kanyang patuloy na suporta.

Ang masigasig na pagganap ng mga tanod sa kanilang tungkulin ay nagbubunsod ng ligtas at tahimik na pamayanan. Sa kanilang walang sawang serbisyo, tunay na mga bayani sila na nagbibigay inspirasyon sa ating lahat.

“Maraming salamat din kay Sec. Rex Gatchalian sa kanyang walang sawang pagtulong. Sa bawat pagkakataon, patuloy siyang nagbibigay ng suporta sa ating lalawigan,” wika ng lady governor.

Sabi nga ni Gov. Tan: “Ang kanyang pagiging kasangga sa pagsusulong ng kapakanan ng ating mga mamamayan ay tunay na nakakatulong sa pag-unlad ng ating komunidad.”

Ang pagkakaroon ng mga handa at masiglang tanod, kasama ang suporta ni Sec. Gatchalian, ay nagpapatibay aniya sa kanilang layunin na magtagumpay sa pagtutulungan para sa kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

Samantala, sa pamamagitan ng pagbubukas ng kauna-unahang dialysis center sa Reina Pogi area (Real, Infanta, General Nakar, and Polillo Group of Islands), nagkakaroon ng bagong pag-asa at ginhawa ang ating mga kababayan. Ang proyektong ito na matatagpuan sa Claro M. Recto Memorial District Hospital sa bayan ng Infanta, ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating dialysis patients.

Sa pagtataguyod nina dating Congw. Trina Enverga, Cong. Mark Enverga, at Vice Mayor L.A. Ruanto, naging posible ang pangarap na ito para sa komunidad.

Ayon kay Gov. Tan, hindi na kailangang maglakbay ng malayo ang mga pasyente para sa kanilang pangangailangang medikal.

Ang dialysis center ay isang paglilingkod na magbibigay solusyon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na may sakit sa bato.

Ito ay hindi lamang simpleng pasilidad kundi isang daang porsiyentong pagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mamamayan.

Ngayon, mas pinadali na ang access sa mahalagang serbisyong pangkalusugan, at ito ay isang paglalakbay patungo sa mas malusog na kinabukasan para sa Reina Pogi area.

Sa bawat hakbang na ito, pinatutunayan na ang pagtutulungan at pagkakaisa ay may malalim na bisa sa pag-angat ng kalidad ng buhay sa lalawigan ng Quezon.

298

Related posts

Leave a Comment