Nakinig ang President Rodrigo Duterte sa mga panawagan ng buong sambayanan.
Mula kahapon nga ay nagpatupad ng pansamantalang travel ban sa lahat ng mga manlalakbay mula sa mainland China at ang mga special administrative regions ng Hong Kong at Macau sa gitna ng banta ng novel coronavirus.
Nag-anunsiyo si Senator Bong Go ng desisyon ng pangulo kahapon ng umaga sa interbyu sa kanya sa Dobol B sa News TV na naghimpapawid sa GMA News TV.
“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas,” sabi Go.
“Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina,” dagdag pa ni Sen. Bong Go.
HINDI LANG MGA CHINESE PARA SA LAHAT
Idiniin ni Sen. Go, na hindi lang mga Chinese ang sakop ng travel ban kungdi lahat ng mga manlalakblay kahit anuman ang nasyonalidad mula China papuntang Pilipinas.
“Magkakaroon tayo ng temporary ban banning the entry of any person except Filipino citizens and holders of permanent resident visa issued by the Philippine government directly coming from China and its special administrative regions,” sabi pa niya.
“Kung ibang bansa naman ang pinanggalingan mo pero nanggaling ka sa China within 14 days before arrival at hindi ka Pilipino o Philippine resident, hindi ka makakapasok sa Pilipinas,” ani pa ni Sen. Go.
Samantala, ang mga Pinoy at ang mga nakatira sa Pinas na manggagaling sa China ay daraan sa labingapat (14-day) na araw na quarantine pagdating sa bansa.
Noong Biyernes ay inanunsiyo ng Malacanang na inutos ni Presidente ang pag-ban nga mga galling sa Wuhan City, ang sentro kung saan nagsimula ang novel coronavirus.
Ang desiyon ng President na hindi kaagad i-ban ang mga galling sa China ay hindi nagustuhan ng buong sambayanan hindi lang ng mga netizen. Noong Biyernes ng gabi ay nagsimula maging trending sa Twitter ang OustDuterte na umabot sa 17,000 tweets na ganoon naging paksa.
Dinagdag pa ni Sen. Go binalanse nang husto ng Presidente ang mga pros and cons mula sa lahat ng sides bago nakarating sa desisyon.
“This is in line with the recommendations of DOH (Department of Health) as affirmed by the members of the Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” dagdag pa niya.
“Nakinig na ang Pangulo sa hinaing ng mga Pilipino at nagdesisyon base sa rekomendasyon ng mga eksperto,” diin pa ni Sen. Go.
CELEBRITIES MAINGAY SA SOCIAL MEDIA
Andaming celebrities ang dismayado sa pamahalaan at President dahil nang pumutok ang balitang may novel corona virus na sa bansa ay hindi kaagad nagpatupad ng travel ban.
Sobrang ingay ng mga celebrity at mga netizen sa kanilang frustrations at pagkakabahala.
Ngayon na positibo ang pagkamatay ng kasamahan ng unang natuklasan at naging positibo sa novel corona virus, mas grabe ang dulot na panic.
Lahat ng mga business ay apektado. Lalo na ang mga mall at mga nakapaloob na sinehan dito.
KANSELADO ANG PREMIER SHOWING NG ASCENCION
sa amin ng Press Relations Officer ng Hollywood producer na si Arsy Grindulo, Jr:
“The Feb 15 Phil. Premiere of Hollywood-produced film “ASCENSION,” Los Angeles Best Independent Film, National Film & TV Awards 2019 is indefinitely posatponed.@
Numero unong dahilan ay puno ang booking hanggang Mayo.
Pangalawang dahilan:
” In panic from the theaters and are staying home instead, so this translates great loss of projected ROIs and the like. Who would want to watch a film where practically everyone is wearing a face mask?
Thirdly, add to that the debilitating Taal Volcano eruption. It has affected the country’s sympathetic mood not to get too leisurely and carefree while the rest of the Batanggenyos are grieving, and are miserably trying to bounce back and in dire need even of our financial aid, donations, prayers, moral support and boost in any way. “
Nang matuloy ang thanksgiving party nina Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado sa press people akala namin ay balik na sa normal ang sambayanan ni Juan.
Mas malala ang threat ng novel corona virus.
Ang Taal eruption ang dulot ay postponement lang ng showbiz events to later dates.
Indefinite ang postponement at maraming cancellation ang epekto ng corona virus.
PASINAYA AT PENAGBENGA KANSELADO RIN
Ang Pasinaya sa Cultural Center of the Philippines ay kanselado na.
Nauna ng inanunsiyo ng pamahalaan ng lungsod sa Baguio City na ang taunang Penagbenga Festival ay kanselado muna ngayong taon.
So ang pagiging tourist namin sa Pines City ngayong taon ay hindi muna tuloy.
Andaming artista ang mawawalan ng raket dahil sa kanselasyon ng Penagbenga.
Noong nakaraang taon ay napanood pa namin ang ‘Pambasang Husband’ si Donnie Pangilinan ng piangkaguluhan ng mga tagahanga kasama ang pa ang ibang stars ng Kapmilya Network sa Burnham Park.
