ANG LIHIM NI MACHO CHIQUITO SA LOOB NG APARADOR

HINDI lamang pala sa pangongotong sa mga travel agency magaling itong isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si alyas “Macho Chiquito” kung saan ay malakas ang bulung-bulungan na mayroon itong nakatagong lihim sa kanyang aparador.

Kung niyanig ng malakas na lindol ang ahensya sa pambibisto natin sa kabila ng laki ng katawan ni Macho Chiquito at sa sukat ng underwear nito na extra small na isiniwalat ng kanyang senior citizen na jowa na si “Mama L” ay mas lalong magugulantang malamang ang karamihan kapag nalaman nila na ang isang Macho Chiquito ay isang “Darna”!

Ayon sa ating source, mula pa lamang umano sa training noong nagsisimula pa lamang ito sa BI sa isang training ­facility sa Clark Pampanga ay nakitaan na ito ng kakaibang kulay matapos maghubad sa kanilang male quarters kasama ang ilang guwapitong immigration ­officers.

Hmm… lumuhod kaya itong si Macho Chiquito at kumanta ng “Bakit Fafa”?

Buweno, wala naman tayong pakialam kung saan masaya itong si Macho ­Chiquito, pero bakit hanggang ngayon daw sa kanyang tanggapan ay muling sinasaniban ito ni Darna at nambibiktima ng kanyang mga guwapitong staff? Yuck!!

May katotohanan din kaya ang sumbong sa atin na kapag tumanggi ang kanyang kursunadang staff ay kanya itong ipapalipat ng puwesto?

Ganito rin umano ang panakot ni Macho Chiquito sa kanyang mga tauhan sa kanyang pangongotong sa mga dayuhang overstaying at sa mga travel agency kung saan ay kumikita umano ito ng P20K kada isang passport ng dayuhan at P2K lamang dito ay para sa kanyang staff.

Aba patas nga naman ang hatian.

Samantala, kaugnay sa ating mga pambibisto sa ­ilang katiwalian sa ahensya ay ­itinalaga ni BI Commissioner Jaime Morente si Deputy Commissioner, Atty. Tobias Javier, bilang chairman ng Anti-Corruption Committee upang masugpo ang ginagawang katiwalian ng ilang tauhan ng BI na sina alyas “GL” na extortionist ng mga ­excluded passengers at ­Macho Chiquito.

Sampolan mo ‘yan Atty. Toby!!

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

215

Related posts

Leave a Comment