NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa mga katulad niyang COVID 19 survivor na mag- donate ng kanilang dugo upang makatulong sa paggamot sa ibang pasyente.
Nag-donate ng dugo ang senador para gamitin sa plasma transfusion sa pasyente sa isang pagamutan sa Quezon City.
“Gave my plasma and it went straight to a hospital in QC to a man on a ventilator-a severe case of COVID-19. My wonderful doctors say it could save his life as the antibodies of survivors in past viruses have done,” saad ni Angara.
Sa impormasyon, malaking tulong ang plasma ng isang COVID-19 survivor dahil makatutulong ang anti-bodies nito para gamutin ang virus sa ibang pasyente.
Gayunman, maaari lamang mag-donate ang survivor ng isang beses kada 14 na araw.
Umaasa rin ang senador na makatutulong ang paglalabas ng databases mula sa COVID 19 Task Force, DOH at DILG upang matukoy ng iba pang survivors ang kanilang mga maaaring tulungang pasyente.
“The moment plasma is given it goes straight to a COVID-19 patient. Please tell any survivors you know. There is no stigma and they can save lives,” saad pa ni Angara. DANG SAMSON-GARCIA
