UMAKYAT ang Angkasangga Party-list (#107 sa balota) sa Top 11 sa pinakabagong OCTA Research survey para sa party-list.
Sa survey na ginawa mula Abril 10 hanggang 16, nakakuha ang Angkasangga Party-list ng 1.98 percent, sapat na para sa isang upuan sa Kongreso.
Ito’y bunga ng momentum na pinamalas ng Angkasangga Party-list sa “Araw ng Kagulong” event na ginawa noong Abril 27, 2025 kung saan nagsama-sama ang libu-libong riders, delivery partners, TODAs, at mga tagasuporta bilang pagpapakita ng pagkakaisa at lakas. Nakadagdag din sa lakas ng Angkasangga Party-list ang pag-endorso ng ilang senador, kabilang na sina Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, JV Ejercito, Francis “Tol” Tolentino, at Imee Marcos.
Nakatulong din sa pag-angat ng Angkasangga ang endorsement ng pamilya Recto —Finance Secretary Ralph Recto, Vilma Santos-Recto, Lucky Manzano, at Ryan Christian Recto—Isko Moreno Domagoso, at Vice Ganda.
Nangunguna sa pagkilos si George Royeca, First Nominee ng Angkasangga at CEO of Angkas, na matagal nang isinusulong ang kabuhayan ng mahigit 50,000 riders.
Sa nasabing event, binigyang diin niya ang hangarin ng party-list na isulong ang pangangailangan ng sektor at pangangailangan para sa tunay na representasyon sa Kongreso.
Kabilang sa mga isusulong ng Angkasangga ang pagsasabatas ng Motorcycle Taxi Law, delivery rider protection law, at Magna Carta for TODAs bilang proteksiyon sa mahigit 18 milyong Pilipino na nasa informal transport at delivery economy.
