ANIBERSARYO NG MAUBAN MASSACRE GINUNITA

NITONG Martes ginunita ang ika-39 na anibersaryo ng malagim na pag-atake laban sa mga pulis sa Mauban, Quezon noong 1987.

Noong panahong iyon, walong miyembro ng pulisya kabilang ang kanilang station commander na si Police Major Augusto Bantayan, ang nasawi matapos ang isang pag-atake at pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army na nangyari sa Barangay Cagsiay.

Ayon sa mga ulat, target ng mga armado ang grupo ng mga pulis sa bayan na noon ay kilala sa tawag na PC-INP, na nagresulta sa agarang pagkasawi ng mga biktima.

Isa ito sa matitinding insidente ng karahasan laban sa mga alagad ng batas sa Quezon Province noong dekada ’80.

Sa kabila ng paglipas ng halos apat na dekada, nananatili sa alaala ng komunidad ang sakripisyo ng walong pulis na nagbuwis ng buhay sa gitna ng tungkulin.

Para sa mga naiwan at sa buong hanay ng mga pulis, ang insidenteng ito ay paalala ng panganib na kaakibat ng kanilang serbisyo at ng patuloy na panawagan para sa kapayapaan.

Patuloy na nagbibigay-pugay ang sambayanan sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng nakararami.

(NILOU DEL CARMEN)

77

Related posts

Leave a Comment