ANTI-FLU, ANTI-PNEUMONIA VACCINE WALANG BISA SA COVID-19

NILINAW ng Department of Health (DoH) na hindi garantiya ang pagpapabakuna ng anti-flu at anti-pneumonia ng isang tao para hindi siya mahawaan ng COVID-19.

Sinabi ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire, ang anti-flu at anti-pneumonia vaccine ay makatutulong lamang para palakasin ang resistensiya ng isang tao.

“Ang pagpapabakuna natin ng anti-flu at pneumonia ay para sa resistensiya ng tao pero hindi ito makatutulong sa pag-prevent na ikaw ay mahahawaan ng COVID hindi,” ani Usec. Vergeire.

“Kailangan, klaro po iyan because there are still other organisms that can cause flu or pneumonia,” dagdag na pahayag nito.

At iyong mga bakuna aniya na available ngayon ay maaari naman aniyang ibigay sa mga mamamayan para ma-prevent o mapigilan ang iba pang uri ng flu o trangkaso at pneumonia.

“Pero hindi po ito makatutulong sa pag-prevent na kayo ay magka-COVID. So, gusto ko lang pong klaruhin iyan,” diing pahayag ni Usec. Vergeire. (CHRISTIAN DALE)

211

Related posts

Leave a Comment