ARRIVAL OF PASSENGERS SA PINAS, BUMABA NG 72%

tao

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na 72% ang ibinaba ng bilang ng mga pasahero na dumarating sa bansa mula sa abroad sa panahon ng siyam na buwan bilang patuloy na negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa international travel industry.

Sa isang pahayag, inihayag ni BI Commissioner Jaime Morente na nakapagtala lamang ng kabuuang 893,886 international travelers na dumating mula Enero hanggang Setyembre.

Batay sa ulat noong 2020, may kabuuang 3.2 million ang dumating sa parehong panahon.  “This is a far cry from our pre-pandemic figures, wherein we reached 12.6 million arrivals already by the 3rd quarter,” ani Morente.

Ipinaliwanag pa ni Morente na bagamat ang pandemic ay nagsimula noong 2020, subalit Marso na isinara ang mga hangganan ng bansa, kung kaya’t nakapagtala pa ng 2.8 million arrivals sa simula ng taon.

“Statistics show that since January the volume of arrivals in our international ports has been averaging at only around 90,000 to 100,000 a month so we foresee this trend to persist until the end of this year,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Morente, ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga pasaherong dumarating sa bansa ay ang mahigpit na ipinatutupad na mga patakaran sa mga pasaherong papasok.

Sinabi pa ni Morente, ayon sa report, 68 percent ng mga pasahero ay umalis papuntang abroad sa panahon ng first three-quarters ng taon.

Lumalabas na may kabuuang 1.1 million travelers ang umalis sa bansa sa nasabing panahon, kung ikukumpara sa 3.6 million na umalis isang taon na ang nakalilipas.

“The bulk of these travelers were overseas Filipino workers as well as foreigners who were returning to their home countries,” anang hepe ng BI.

Sa kabila ng mababang bilang ng mga pasahero, naniniwala naman si Morente na muling makababangon ang travel industry sa sandaling maging maluwag na ang travel restrictions kasunod ng agresibong pagbabakuna ng gobyerno sa mamamayan laban sa COVID-19. (JOEL O. AMONGO)

150

Related posts

Leave a Comment