BAGAMA’T ipinaiiral ang enhanced community quarantine, tuloy-tuloy pa rin ang kampanya laban sa illegal na droga na nagresulta sa pagkakasabat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mahigit P800,000 halaga ng shabu sa dalawa umanong tulak sa San Andres Bukid, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga nadakip na sina Raniel Duaviz, alyas “Tutoy”, 23, at Teresa Martinez, alyas “Terry”, 56, kapwa residente ng #4102 J. Dela Cruz St., Brgy. Palanan, Makati City. Batay sa ulat ng MPD-Sta. Ana Police Station 6, bandang 10:00 ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation ng mga…
Read MoreAuthor: admin
MAY COVID-19 SA NAVOTAS, 3 NA
TATLO na ang naitalang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City, kinumpirma ng pamahalaang lungsod nitong Martes. Ang pangatlong pasyente ay isang 58-anyos na nakatira sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan. Noong Marso 15 nang simulang ubuhin at lagnatin ang ikatlong pasyente, uminom siya ng gamot ngunit hindi pa rin umayos ang kanyang pakiramdam. Marso 27 nang magpakonsulta siya sa ating health center at Marso 29 nang makuhanan ng specimen. “Sa pagitan noong Pebrero hanggang sa pagpunta niya sa health center, marami na po siyang napuntahang mga lugar sa Metro Manila. Ginagawa…
Read MorePOSITIBO SA COVID-19 SA VALENZUELA, 10 NA
UMAKYAT na sa 10 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City matapos na isang 41-anyos na lalaki ang magpositibo sa nasabing sakit, ayon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Si patient VC10 at may travel history sa Japan, na-confine sa ospital at gumaling na sa pneumonia. Magsasagawa ang Valenzuela CESU ng nasopharyngeal at oropharyngeal swabs sa pamilya at kilalang close contacts ni VC10. Ang mga naunang nagpositibo sa COVID-19 ay sina patient VC8, isang 29-anyos na babae, at patient VC9, isang 69-anyos na babae, pawang iniulat na naka-confine sa ospital. Masusing mino-monitor…
Read MoreDRUG DEALER TIMBOG SA ECQ CHECKPOINT
ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang drug dealer matapos makumpiskahan ng P306,000 halaga ng umano’y shabu nang maharang sa inilatag na checkpoint ng mga pulis sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega ang suspek na si Ronald Cruz, alyas “Onat”, 34, ng #42 General Concepcion St., Bagong Barrio, Caloocan City. Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christopher Quiao, unang ipinaalam ng Tactical Operation Center sa lahat ng police personnel na maglatag ng checkpoints matapos ang natanggap na impormasyon mula sa regular confidential informant, na isang alyas Onat ang magde-deliver ng…
Read MoreMERALCO PATULOY ANG SERBISYO, SINISIGURO SA PUBLIKO ANG 24/7 NA SUPPLY NG KURYENTE NGAYONG PANAHON NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Nagpahayag ang Manila Electric Company (Meralco) ukol sa operasyon nito ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Siniguro ng Meralo sa publiko ang pananatili ng kanilang 24/7na operasyon upang masiguro ang tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa loob ng 30 araw ng kuwarentina na nagsimula noong ika-15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril 2020. Bago pa man ipinatupad ang ECQ ay naghanda na ang Meralco ng plano kung paanong magtutuloy ang operasyon nito sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa. Kasama rin dito ang pagpapahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga…
Read MoreP17-B PONDO NG DOTr GAMITIN “PANTAWID” SA MGA TSUPER NA WALANG PASADA
WALANG tigil ang panawagan ng mga kaibigan nating lider-manggagawa sa hanay ng uring manggagawa na bigyan ng P10,000 pondo bilang panggastos nila sa panahong ipinatutupad ang isang-buwang “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon, sapagkat makatwiran at karapat-dapat ang kanilang panawagan sa administrasyong Duterte. Ang isa pang magandang panawagan ay iyong hiniling ni Senadora Grace Poe sa administrasyong Duterte na ilabas at gamiting ayuda ang P17 bilyong pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon. Ayon kay Poe, ang P17 bilyong pondo para sa mga programa at…
Read MoreKASAMA NA BA ANG MAYAYAMAN, MASASALAPI SA 4Ps?
ALAM ninyo marami na akong naririnig kaugnay sa reklamong naiparating sa inyong lingkod kaya napapanahon na nga siguro na silipin o i-review ang listahan ng mga maswerteng miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na nakikinabang sa pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng nasabing proyekto. Binuo ang nasabing programa para mabigyan ng ayuda ang mahihirap o tinatawag na poorest of the poor. Pero paano naman kung mayroong mayaman ang nakapasok o nakasali sa listahan? Ngayon naman ay ipapamahagi na ang amelioration package na may kabuuang na walong libong piso,…
Read MoreIMBAKAN NG ARMAS NG NPA NADISKUBRE
SARANGANI – Nasamsam ng mga tropa ng 73rd Infantry Battalion (IB) ang nakaimbak na mga armas ng New People’s Army (NPA) sa araw mismo ng kanilang ika-51 anibersaryo noong Linggo, Marso 29. Sinabi ni Lieutenant Col. Ronaldo Valdez, 73rd IB commander, nadiskubre ang nakatagong mga armas sa Sitio Salyan, Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani, sa tulong ni alyas Willie, isang dating miyembro ng komunistang grupong nag-o-operate sa lugar. Ang nasabing imbakan ang pangalawang nadiskubre ng militar sa nakaraang linggo, na kinabibilangan ng isang kalibre 5.56 mm, M16 rifle, apat na…
Read MoreLOLO NATUSTA SA POSPORO
TACLOBAN City – Nalitson ang isang lolo na may problema sa pag-iisip dahil sa pinaglaruang posporo na tumupok sa tatlong kabahayan, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Clemente Butal, 65-anyos, residente ng Barangay Daja Diot, San Isidro, Leyte. Ayon kay SFO2 Marlo Arisa Buranday, officer-in-charge ng Fire Marshal ng San Isidro Fire Station, nagmula ang apoy sa loob ng kuwarto ng biktima na sinasabing may problema sa pag-iisip. Kuwento ng kaanak, tuwing umaatake ang sakit ng biktima ay naglalaro ito ng posporo sa…
Read More