GUMAGAWA na ng paraan ang Bureau of Customs para sa posibilidad na maibigay sa mga frontliner ang mga nakukumpiska nilang kontrabandong face mask at mga personal protective equipment o PPE. Sa katunayan ayon kay Customs spokesman Philip Maronilla ay nakikipag- ugnayan na siya sa Department of Justice upang maisapinal na ang ilang hakbangin tungkol sa mga nasamsam na medical items. Ayon kay Maronilla, kasama nila ang NBI na may ginagawang koordinasyon sa DOJ na nagkasa rin ng mga raid at nakakumpiska ng mga overpriced alcohol. Aniya, sinisikap nilang mapabilis ang…
Read MoreAuthor: admin
TANOD NIRATRAT PINAGBABARIL SA NIYUGAN
MAGUINDANAO – Patay ang isang barangay tanod makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek nang sumilip sa niyugan ang biktima, iniulat nitong umaga ng Martes sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Teofilo Cainglez, 35-anyos, may asawa, miyembro ng Barangay Peacekeeping and Action Team (BPAT) at residente ng Purok Nangka, Barangay Gumagadong, Calawag, Parang, Maguindanao. Batay sa report ng Parang PNP, habang nasa kanilang outpost ang biktima at kanyang kasama nang makaramdam silang may ibang taong umaaligid at nagtatago sa niyugan. Dahil dito, tinungo ng biktima ang niyugan para silipin…
Read MoreSEAMAN NABITAG SA OVERPRICED ALCOHOL
ARESTADO ang isang seaman nang pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Guiguinto police sa koordinasyon sa Department of Trade and Industry (DTI), makaraang magbenta ng overpriced alcohol sa entrapment operation sa Maharalika Highway, Brgy. Tabang sa bayan ng Guiguinto sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Base sa report ni P/Major Rito I. Sebuala, hepe ng Bulacan CIDG, kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Randy Paguia y Betonio, 36, seaman at nakatira sa Bantayan St., Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas.…
Read More6 ONLINE SELLERS NALAMBAT SA OVERPRICING
DAVAO City – Bagsak sa selda ang anim na online sellers makaraang mahuli sa magkahiwalay na entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Davao City Field Unit at Sta. Ana Police noong Lunes ng gabi. Ikinasa ng mga operatiba ang operasyon sa Aurora Street, Barangay 36-D, ng lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Cindy Raganit, 33; Aida Alentiojo, at driver na si Benjamin Paye. Ayon sa ulat ng pulisya, overprice umano ang mga ibinebentang alcohol at face mask ng mga suspek kung kaya’t isinailalim…
Read MoreBINALEWALA ANG CURFEW, LOLA PATAY SA MOTORSIKLO
CAVITE – Patay ang isang 79-anyos na lola makaraang mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa dis-oras ng gabi bagama’t may ipinatutupad na curfew sa Dasmarinas City sa lalawigang ito. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimamg si Elizabeth Angeles ng Paliparan 2, Dasmarinas City, habang nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan sa nasabi ring lungsod, ang driver ng motorsiklo na si Jomar Carangian, 27, ng Block 9, Lot 7, San Lorenzo 2, Dasmarinas City. Sa ulat ni Pat. Norman Guerra ng Dasmarinas City Police Station, nangyari ang…
Read MoreWanted, pasaway, sangkot sa sugal at droga 310 ARESTADO SA BULACAN
BULACAN – Sa kabila ng ipinaiiral na enhanced community quarantine Luzon-wide, kabuuang 310 katao ang nadakip ng mga tauhan ng Bulacan Police makaraang masangkot sa iba’t ibang criminal activities sa lalawigang ito, sa nakaraang apat na araw. Ayon kay Bulacan Police Provincial Office (PPO) director, Col. Lawrence Cajipe, ang mga arestado ay kinabibilangan ng 111 drug suspect na nahuli sa isinagawang 49 drug operations; 106 sa illegal gambling; 41 most wanted persons at 52 pasaway sa ECQ. “The strings of operations are in adherence to the marching orders of our…
Read MoreStaff may COVID-19 OSPITAL SA CALAMBA ISASARA
LAGUNA – Pansamantalang isasara ngayong araw, Abril 1, ang isang ospital sa Calamba City makaraang masuring positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang staff nito. Ito ay upang i-disenfect ang nasabing ospital para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na virus. Nauna rito, inihayag ng Pamana Medical Center na positibo sa nasabing sakit ang isa nilang staff. Nagmula umano ang biktima sa hanay ng Dietary Staff ng nabanggit na ospital. Nakumpirma ito noong Marso 30, 2020 nang dumating ang resulta ng pagsusuri mula sa Reasearch Institute for Tropical Medicine…
Read MoreOVERSTAYING KUWAITI NAT’L INARESTO NG BI
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Kuwaiti national na palaaway umano sa isang komunidad sa Mindanao. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., kinilala ang dayuhan na si Faisal Abdullah Almansour, 50-anyos, nadakip noong Marso 17 at ikinulong sa BI District Office sa Davao City. Si Almansour ay inaresto ng mga operatiba mula sa BI’s Mindanao Intelligence Task Group (MITG), sa kanyang bahay sa Governor Generoso, Davao Oriental, sa pamamagitan ng mission order na inisyu ni Morente. Sinabi ni Manahan,…
Read More12 patay, 28 pang kaso naitala 13 BAYAN SA BULACAN APEKTADO NG COVID-19
BULACAN – Umabot na sa 12 katao ang namatay habang pumalo naman sa 28 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong lalawigan. Nabatid na 13 lungsod at munisipyo ang mayroong naitalang kaso ng COVID-19, kabilang ang mga lungsod ng San Jose Del Monte, Malolos at Meycauayan, mga munisipalidad ng Sta. Maria, San Miguel, Marilao, Pulilan, Calumpit, San Ildefonso, Bulakan, Guiguinto, Baliwag at Pandi. Sa update report ng Provincial Health Office (PHO) noong Lunes ng hapon, lima ang nadagdag mula sa pito lamang na death cases at ang mga ito ay…
Read More