ENERGY EFFICIENCY SA PANAHON NG PANDEMYA

SADYANG naging ­matindi ang epekto ng ­COVID-19 hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Damang-dama ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya ang epekto ng mga hakbang na ginawa ng pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng virus. Isa na rito ang industriya ng kuryente. Sa pag-angkop sa bagong normal ay nagdaan sa ilang pagsubok ang Meralco. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nananatili ang pagbibigay ng kumpanya ng 24/7 na serbisiyo sa kanilang mga customers. Nagkaroon ng direktang epekto sa operasyon ng Meralco ang ipinatupad na lockdown ng…

Read More

GASTOS SA PAGPAPAUWI NG BANGKAY NG OFW MULA SAUDI, SAGOT NG OWWA?

LUMABAS ang balita na nagpahayag si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ­Administrator Hans Leo Cacdac na tutustusan nito ang pagpapauwi ng halos 350 bangkay ng mga OFW na namatay sa Saudi Arabia. Sa susunod na linggo ay inaasahan ang ­pagdating ng mga bangkay ng mga OFW na namatay sa ibat-ibang kadahilanan gaya ng aksidente, nagpatiwakal, krimen, karamdaman at pati na rin ang mga namatay sa ­COVID-19 virus. Maraming mga OFW leaders mula sa iba’t-ibang bansa at sa Pilipinas ang agad na nagpadala ng inbox messages sa akin upang itanong ang…

Read More

PAPEL NG DEPED SA TEACHER EDUCATION COUNCIL REREPASUHIN

INIHAYAG ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang layuning magsagawa ng oversight review sa papel ng Department of Education (DepEd) sa Teacher Education Council (TEC) hinggil sa hamon na kinahaharap nito upang mapahusay ang kalidad sa pagtuturo ng mga guro. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Basic Education Committee na itinatag ang council noong 1994 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7784 upang mapalakas ang edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa. Aniya, isa sa pangunahing tungkulin ng Council ay magdisenyo ng collaborative program o projects na magpapatingkad…

Read More

Bago maubos ang health workers MEDICAL RESERVE CORPS ITATAG

ITINUTULAK ni Senador Imee Marcos ang pagbuo ng medical reserve corps para sa mga health care worker bago pa tuluyang sumuko ang mga ito bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Cebu at Southern Mindanao. Ayon kay Marcos, kumplikado ang laban ng bansa kontra sa pandemya dahil maaaring lumala ang bagsik ng virus at sumabay pa ang posibilidad ng epidemya ng dengue at leptospirosis sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan. “Huwag na tayong maghintay pa na magkaroon ng panibagong epidemya at pandemya na…

Read More

Aksyon ng pamahalaan dapat maramdaman VAWC SAGIPIN -REP. NOGRALES

KAILANGANG tiyakin ng gobyerno ang kanilang presensya sa kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan sa panahon ng quarantine at siguraduhin na hindi sila pababayaan. Ito ang pahayag ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa gitna ng report na parami nang parami ang kababaihan at mga bata na biktima ng karahasan. Tinukoy ni Nograles ang report na mula sa 3,699 kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) na naitala noong June 4 ay lumobo ito sa 4,260 noong June 11. “We understand that our resources are already…

Read More

41 KASO NG COVID-19 SA ISANG ARAW, NAITALA SA REGION 4A

NAKAPAGTALA ang Department of Health Region 4-A ng 41 kaso ng COVID-19 kahapon, araw ng Linggo. Sa probinsya ng Cavite, mayroon na lang 314 active cases, Laguna, 286 active cases, Batangas, 80 active cases, Rizal 262 at Quezon, 22 active cases. Ayon sa DOH CHD4-A, pumalo na sa 2,399 ang kumpirmadong nagkaroon ng virus. Mayroon namang 27 pasyente ang bagong nakarekober sa buong rehiyon at may pangkalahatang bilang na 1,241 habang 194 naman ang mga namatay sa pandemya. Samantala, pormal nang binuksan ang kauna-unahang GENEXPERT Laboratory sa buong rehiyon na…

Read More

3,314 BULAKENYO STUDENTS NABIGYAN NG SCHOLARSHIP

MALOLOS CITY – Aabot sa 3,314 estudyante mula sa lahat ng campus ng Bulacan Polytechnic College at iba pang pribadong kolehiyo at unibersidad ang tumanggap ng scholarship mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa pamamagitan ng 10- pax every venue daily distribution sa iba’t ibang tanggapan. Tatanggap ang mga estudyanteng nagtapos at kumukuha ng masteral ng halagang P5,000 per sem, P5,500 per sem para sa mga seminarista habang P3,500 naman ang tatanggapin ng mula sa private universities at colleges…

Read More

MAY SAKIT NA OFWs IUWI NA -SOLON

NANAWAGAN si ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran sa pamahalaan na magpadala muli ng mga eroplano at barko ng Philippine Navy sa ibayong dagat, partikular sa mga bansa sa Gitnang Silangan para maiuwi ang daan-daang may sakit na OFWs. Ang naturang panawagan ay bunsod na rin ng dinaranas sa ngayon ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na kinakailangan ng matinding kalinga dahil sa depresyon na siyang dahilan ng pagkakasakit hanggang sa ikamatay ng mga ito. Ayon sa House Asst. Majority Leader, maaaring dalhin sa mga pagamutan sa bansa ang mga…

Read More

MGA GURO, ISALANG SA COVID TEST

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa gobyerno na bigyang pansin din ang kaligtasan ng mga guro at isalang sila sa COVID-19 test. Sinabi ni Marcos na maituturing din na frontliners ang mga guro lalo ngayong ilan sa mga ito ay nagsisimula na ring mag-report sa kanilang mga paaralan. Ipinaliwanag ng senador na bagama’t ipinatutupad ang online enrolment sa mga paaralan, may mga guro pa rin ang nagpupunta sa mga paaralan upang mangasiwa ng registration. Bukod dito, pagdating anya ng pasukan, kahit ikinukonsidera ang distance learning ay magre-report pa rin ang…

Read More